Advertisement

Dasalan at Tuksuhan

August 18, 2011 By

Isang Interpretasyon sa “Dasalan at Tuksuhan” ni Marcelo H. Del Pilar

Tanda
Ang tanda ng kara krus ang ipangadya mo sa amin, Panginoon naming Prayle, sa mga bangkay namin,
Sa ngalan ng Salapi at ng Maputing binti, at ng Espiritong Bugaw. Siya nawa.

Pagsisisi
Panginoon kong Prayle,
Diyos na hindi totoo
at labis na pagkataong gumago at sumalakay sa akin:
pinagsisisihan kong masakit na masakit
sa tanang loob ko
ang dilang pag-asa sa iyo, berdugo ko.
Panginoon ko at kaaway
na inihihibik kong lalo sa lahat,
nag titika akong matibay na matibay
na di na muli-muling mabubuyo sa iyo:
at lalayuan ko na at pang-iilagan
ang balanang makababakla ng loob ko
sa pag-asa sa iyo,
at nakalilibat ng dating sakit ng mga bulsa ko,
nag titika naman akong maglalathala ng dilang pagkadaya ko,
umaasa akong babambuhin ka rin,
alang-alang sa mahal na pasyion at pangangalakal mo ng Krus,
sa pag-ulol sa akin.
Siya nawa.

Ama Namin
Ama namin sumasakumbento ka,
sumpain ang ngalan mo,
malayo sa amin ang kasakiman mo,
gilitan ang leeg mo dito sa lupa para ng sa langit.
Saulian mo kami ngayon ng aming iyong inaraw-araw
at patawanin mo kami sa iyong pag-ungal
para nang pagpapatawa mo kung kami’y nakakwartahan;
at huwag mo kaming ipahintulot sa iyong mga tukso
at ihadya mo kami sa masama mong dila.

Aba Ginoong Barya
Aba ginoong Barya nakapupuno ka ng alkansya
ang Prayle ay sumasainyo
bukod ka niyang pinagpala’t pinahigit sa lahat,
pinagpala din naman ang kaban mong mapasok.
Santa Barya Ina ng Deretsos,
ipanalagin mo kaming huwag anitan ngayon
at kami ipapatay. Siya nawa.

Aba Po Santa Barya
Aba pong Santa Baryang Hari,
inagaw ng Prayle,
ikaw ang kabuhayan at katamisan.
Aba, bunga ng aming pawis,
ikaw ang pinagpaguran naming
pinapanaw na taong anak ni Eba,
ikaw nga ang ipinagbubuntong hininga namin
sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapis-hapis.
Ay aba pinakahanap-hanap namin para sa aming mga anak,
ilingon mo sa amin ang kara krus mo man lamang
at saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin
iparinig mo ang kalasing mo Santa Barya ina ng deretsos,
malakas at maalam, matunog na ginto
kami’y ipanalangin na huwag magpatuloy sa amin
ang mga banta ng Prayle. Amen.

Mga Utos ng Prayle
Ang mga utos ng Prayle ay sampu:
una: Sambahin mo ang Prayle ng lalo sa lahat.
ikalawa: Huwag kang magpapahamak manumba ng ngalang deretsos.
ikatlo: Mangilin ka sa Prayle lingo man at fiesta.
ika-apat: Isangla mo ang katawan mo sa pagpapalibing sa ama at ina.
ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping pang-libing.
ika-anim: Huwag kang makiapid sa kanyang asawa.
ikapito: Huwag kang maki-nakaw.
ika-walo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.
ika-siyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.
ika-sampu: Huwag mong itanggi ang iyong ari.
Itong sampung utos ng Prayle’y dalawa ang kinauuwian.

isa: Sambahin mo ang Prayle lalo na sa lahat.
ikalawa: Ihain mo sa kanya ang puri mo’t kayaman. Siya nawa.

Ang mga kabuuang asal, ang pangalang tontogales ay tatlo,
Igalang mo …
Katakutan mo …
ang Prayle at Pag Manuhan mo…

____________________________________________
Isinalin mula sa orihinal ni Gabriel Edilberto Lumanlan Cruz

15 Responses to Dasalan at Tuksuhan

  1. Gabriel Edilberto Lumanlan Cruz says:

    Yes… Ang galing ah…

    Saan mo na copy paste yan??? Ang galing mo….

    Sus.. TODO!!!

  2. kokak says:

    wow galing wow wow galing galing

    at san mo naman nakuha yan????????????? asstig ka ahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    wwwwwew!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. marian rivera says:

    sssssssssssssssuuuuuuuuuuuuuuuuuusssssssssssssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    ttttttttttttttttttttttttttttooooooooooooooooooooddddddddddddddddddddoooooooooooooo

    parng copy paste lang yan ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    maniwala sau !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    bakit nandon kaba nang naganap yan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  4. Marian Rivera says:

    Ang galing…

    Love it…

    Parang kinopy paste lang yan sa kung saan-saan. baka nga sa kanal mo lang yan pinulot….

    *&%$@#& +@&!!!!!

  5. icefirexd says:

    hahaha :D great …very well done

  6. Apollyon's Child says:

    kahit pla nung una me free thinker na rin pala sa pilipinas.

  7. rosSel says:

    ha ha ha nakakatuwang magbasa , i knew from i was a kid that i was not alone na di talaga ako naniniwalang may dios.

  8. james says:

    ang sakit naman niyan! katoliko pa naman ako!

  9. human says:

    ang akdang ito ay sinulat ni marcelo h. del pilar bilang pagtuligsa sa kalupitan at pang-aabuso ng mga prayle sa mga pilipino noong panahon ng mga kastila . . . so hindi ito patungkol sa Diyos, muli, ito ay patama niya laban sa mga prayle noon

  10. cutie kath smile says:

    weh..??khulet nyan …uberr…pbb teens….
    ang corny,ang corny,corny,corny……hahahahahha

  11. jenny says:

    ahahahahahahahah !! ang kulit!!
    pwde na rin!!
    hahahahahahah
    hahahahahah
    hahahahahah
    ahahahahahaha
    !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!??

  12. marajen says:

    thanks need ko panamn to . english sana pero ok na to :)

  13. lostintranslation says:

    Actually, some of these are works by Marcelo H. del Pilar such as ‘Aba Ginoong Barya’, ‘Amain Namin’ and ‘Mga Utos ng Prayle’ which came from his book, “Dasalan at Toksohan” back in the 1890′s. :)

Leave a Reply


SUPPORT US

PATAS MEMBERS

ACTIVITIES

PATAS Chapters